Isyung Pang-kabataan
Samo't saring mga isyu pang-kabataan ang dapat tutukan ng ating gobyerno at bigyang pansin dahil may kasabihan ang mga Pilipino na sya ring sinabi ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na "ANG MGA KABATAAN ANG PAG ASA NG ATING BAYAN".
Sabado, Hunyo 18, 2011
ganito ba ang gusto nating situwasyon para sa susunod nating "HENERASYON"?
Picture #1: isang pamayanan na di akma para sa paglaki ng mga bata na dapat ay nag lalaro sa maganda, malinis at matiwasay na lugar nang sa ganun ay ma hanap nila mismo ang kanilang mga natatagong kakayahan. pero dahil sa kahirapan ng buhay ay hindi ito maiwasan ng ating mga kapwa pilipino.
Picture #2: Isang batang nag titinda ng Electric fan! marami pang mga kabataan ang may ganitong kalagayan. dahil sa hirap ng buhay ay mas pinipili pa nila na maglako ng mga iba't ibang paninda para may mapakain sa nagugutom na sikmura ng kanilang pamilya kaysa sa mag enroll at mag aral sa isang paaralan.
Picture #3: mga batang nakapila para lamang makakuha ng konting pag kain at pansamantalang malabanan ang kanilang gutom. kung makikita nyo wala silang sapin sa paa papaano na lamang kung mayroong basag na bote silang maapakan at masugatan sila. nakaka lungkot isipin na maraming mga bata ang nagtitiis sa ganitong situwasyon. na ni tsinelas ay hindi nila mabili.
Picture #4: mag inang nasa lansangan! isang bata na walang saplot ang nag lalaro sa kalsada na walang kaalam alam ang bata na ang lugar na kanyang pinag lalaruan ay hindi nya dapat kinalalagyan, sa picture #3 Tsinelas ang hindi suot ng mga musmos na bata, ngayon walang kasaplo't saplot ang isang anghel na nasa kalsada sana batid ng ina nya na kapag nag tagal ang ganitong sitwasyon ng bata ay maaari syang magkaroon ng iba't ibang uri ng sakit.
nakakalungkot lang isipin na marami pa rin ang ganitong "ISYUNG PANG-KABATAAN" ang dinaranas ng ating bansang Pilipinas. iniisip ko na kahit sa pangarap man lang ay isang araw wala na akong makikitang lugar na dikit dikit ang bahay at maruming kapaligiran na di angkop sa pag laki ng mga bata(picture #1), wala nang mga child laborer ang nakakalat sa mga lansangan ng Pilipinas(picture #2), wala ng mga batang nakapila sa isang mabatong lugar at walang mga sapin sa paa ang nakapila upang mag karoon lang nang pansamantalang panlaban sa kanilang sumisigaw na sikmura(picture #3) at sana wala na rin akong makitang mga pamilya na sa mga tabi tabing kalsada nakatira at namumuhay(picture #4) at sana wala na ring batang naka hubad habang nag lalaro.
ngunit sa panaginip at pangarap na lang ba ito.? kailan ba matatapos ang "ISYUNG PANG-KABATAAN"? at sana mapanindigan natin ang sinabi ng ating pambansang bayani na "ANG MGA KABATAAN ANG PAG-ASA NG ATING INANG BAYAN".
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)



